Pagkatapos ng Appendectomy
Mabilis na gumagaling ang karamihang tao pagkatapos ng appendectomy. Maaaring nasa ospital ka sa loob ng 1 hanggang 2 araw. Maaaring mas magtagal ka roon kung pumutok ang iyong appendix. Kapag nasa bahay ka na, magplano ng follow-up na pagbisita sa iyong tagapangalaga ng kalusugan sa loob ng 1 hanggang 2 linggo, o ayon sa ipinayo.
Sa ospital
Kadalasan, iinom ka ng mga likido at makalalakad na sa araw ng operasyon. Bibigyan ka ng gamot sa kirot. Maaaring turuan ka ng mga ehersisyo sa paghinga. Ang mga ito ay upang tulungan kang panatilihing malinaw ang iyong mga baga. Maaaring lagyan ka ng tubo (drain). Isa itong maliit na tubo na nakalabas sa hiwa sa iyong tiyan. Malamang na alisin ito bago ka umalis sa ospital. Maaaring bigyan ka ng mga gamot upang maiwasan ang pagtitibi.
 |
Makalalakad ka na sa lalong madaling panahon pagkatapos ng operasyon. Tumutulong sa iyo ang paglakad upang gumaling nang mas mabilis at upang maiwasan ang mga komplikasyon. |
Pagbalik sa tahanan
Inumin ang iyong mga gamot ayon sa itinagubilin. Makatutulong ang mga ito na kontrolin ang kirot dahil sa operasyon. Huwag gumawa ng anumang gawain o pagbubuhat ng mabigat. Huwag magmaneho hanggang sa sabihi ng surihano mo na OK na. Unti-unting gawin ang iyong mga karaniwang gawain sa loob ng 7 hanggang 10 araw. Patuloy na inumin ang mga gamot o fiber ayon sa ipinayo upang maiwasan ang pagtitibi. Tingnan ang iyong hiwa ayon sa ibinilin ng iyong team ng pangangalaga.
Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan
Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:
-
Pamamaga, pagtagas, o kirot na mas lumulubha
-
Pamumula malapit sa hiwa na mas lumulubha
-
Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga
-
Pananakit ng tiyan na lumalala
-
Matinding pagtatae, paglaki ng tiyan, o pagtitibi
-
Masakit ang tiyan (pagduduwal) o pagsusuka
-
Pamamaga o kirot sa iyong mga binti
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kaagad kung nahihirapan kang huminga.
Online Medical Reviewer:
Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer:
Robyn Zercher FNP
Online Medical Reviewer:
Ronald Karlin MD
Date Last Reviewed:
4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.