Checkup ng Sanggol na Walang Sakit: Hanggang 1 Buwan
Pagkatapos ng unang pagbisita ng iyong bagong silang na sanggol, malamang na magkakaroon siya ng checkup sa loob ng kanyang unang buwan ng buhay. Sa checkup sa na ito, susuriin ng tagapangalaga ng kalusugan ang sanggol at kukumustahin ang mga kaganapan sa bahay. Inilalarawan ng pahinang ito ang ilang maaari mong asahan.
Pag-unlad at mga tagumpay
Magtatanong ang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa iyong sanggol. Oobserbahan niya ang sanggol upang magkaroon ng ideya tungkol sa pag-unlad ng iyong anak. Sa pagbisitang ito, maaaring nagsisimula nang gawin ng iyong anak ang ilan sa sumusunod:
-
Ngumingiti nang walang malinaw na dahilan (tinatawag na kusang pagngiti)
-
Tumitingin sa iyong mukha
-
Gumagawa ng mga tunog maliban sa pag-iyak
-
Sinusubukang itaas ang kanyang ulo
-
Inilalagay ang mga kamay sa bibig
-
Iginagalaw ang parehong braso at binti
-
Tumutugon sa malalakas na ingay
-
Pinanonood ka habang gumagalaw ka
Mga payo sa pagpapakain
Sa edad na halos 2 linggo, ang timbang ng iyong sanggol ay dapat katulad na ng kanyang timbang nang isinilang. Ituloy na pakainin ang iyong sanggol alinman sa gatas ng ina o formula. Upang matulungan ang iyong sanggol na kumain nang mabuti:
-
Pakainin ang iyong sanggol nang madalas at hanggang gusto niya. Siguruhing nagpapakain ka nang hindi bababa sa 8 hanggang 12 beses kada araw. Ang ilan sa mga pagpapasuso na ito ay maaaring dikit sa isa’t-isa (cluster feeding), at ang iyong sanggol ay magpapahinga ng ilang oras. Hayaang sumuso ang iyong sanggol hangga't gusto niya. Kapag tapos na, titigil siyang lumunok, irerelaks ang kanilang mga kamay at makakatulog.
-
Sa gabi, pasusuhin kapag nagising ang sanggol, madalas tuwing 3 hanggang 4 na oras. Maaari mong piliin na hindi gisingin ang sanggol para sa mga pagpapasuso sa gabi. Talakayin ito sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Magpasuso sa loob ng 15 hanggang 20 minuto sa bawat pagkakataon. Gamit ang bote, unti-unting dagdagan ang dami ng formula o gatas ng ina na ibinibigay mo sa iyong sanggol. Sa edad na 1 buwan, sumususo ng halos 4 na ounce kada pagpapasuso ang karamihang sanggol, ngunit maaari itong mag-iba-iba.
-
Kung nag-aaala ka tungkol sa kung gaano karami o kadalas kumain ang iyong sanggol, talakayin ito sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Tanungin ang tagapangalaga ng kalusugan kung kailangang uminom ng iyong sanggol ng bitamina D. Ipinapayo ang pagdaragdag ng formula kung halos o palaging nagpapasuso sa iyong sanggol.
-
Huwag bigyan ang sanggol ng anumang makakain maliban sa gatas ng ina o formula. Napakabata pa ng iyong sanggol para sa matitigas na pagkain (solids) o iba pang likido. Hindi kinakailangang bigyan ng tubig ang isang sanggol sa ganitong edad.
-
Dapat mong malaman na maraming sanggol ang nagsisimulang lumungad sa edad na halos 1 buwan. Sa karamihang kaso, normal ito. Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan kung madalas at malakas na sumuka ang sanggol, o isinusuka ang kahit ano maliban sa gatas o formula.
Mga payo sa kalinisan ng katawan
-
Dumudumi (nagbabawas ng laman ng bituka) ang ilang sanggol nang ilang beses sa isang araw. Dumudumi naman ang iba ng kaunti sa isang beses bawat 2 hanggang 3 araw. Anumang bagay sa saklaw na ito ay normal. Palitan ang diaper ng sanggol kapag nabasa o nadumihan ito.
-
Ayos lang kung dumudumi ang iyong sanggol nang madalang sa kada 2 hanggang 3 araw kung malusog naman ang sanggol. Ngunit kung nagiging maselan ang sanggol, sumusuka nang higit sa normal, kumakain nang mas kaunti kaysa sa karaniwan, o may napakatigas na dumi, sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring tinitibi ang sanggol. Nangangahulugan ito na hindi makadumi ang sanggol.
-
Maaaring ang kulay ng dumi ay mula sa kulay ng mustasang dilaw hanggang kulay kape o berde. Kung iba ang kulay ng dumi, sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Paliguan ang iyong sanggol nang ilang beses kada linggo. Maaari mong paliguan nang mas madalas kung nasisiyahan dito ang sanggol. Ngunit dahil nililinisan mo ang sanggol habang pinapalitan ng diaper, madalas na hindi kailangan ng pang-araw-araw na paliligo. Punasan ang iyong sanggol hanggang matanggal ang pusod. Karaniwang nangyayari ito nang halos 1 hanggang 2 linggo matapos isilang.
-
OK na gumamit ng banayad (hypoallergenic) na mga krema o lotion sa balat ng sanggol. Huwag pahiran ng lotion ang mga kamay ng sanggol.
Mga payo sa pagtulog
Sa ganitong edad, maaaring matulog ang iyong sanggol nang 18 hanggang 20 oras bawat araw. Karaniwan sa mga sanggol ang makatulog nang maiikli sa buong araw, sa halip na ilang oras nang minsan. Maaaring maging maselan ang sanggol bago matulog sa gabi (bandang 6 p.m. hanggang 9 p.m.). Ito ay normal. Upang tulungan ang iyong sanggol na makatulog nang ligtas at mahimbing:
-
Ihiga ang iyong sanggol para sa mga pag-idlip at pagtulog hanggang maging 1 taong gulang siya. Maaari nitong mapababa ang panganib ng SIDS (syndrome na biglaang pagkamatay ng sanggol), paglanghap ng hangin, at mabulunan. Huwag kailanman ihiga ang iyong sanggol nang patagilid o padapa sa pagtulog o mga pag-idlip. Kapag gising ang iyong sanggol, hayaang dumapa ang iyong sanggol hangga't binabantayan mo siya. Makatutulong ito sa iyong anak na makabuo ng malalakas na kalamnan sa tiyan at leeg. Makatutulong din ito na maiwasan ang pagkadapa ng ulo ng iyong sanggol. Maaaring mangyari ang problemang ito kapag gumugugol ng maraming oras ang mga sanggol sa paghiga na nakalapat ang likod.
-
Dapat matulog ang iyong sanggol sa isang matatag at patag na kutson o patag na higaan na hindi nakahilig. Takpan ang kutson ng isang lapat na kumot. Huwag gumamit ng malalambot na kumot o mga comforter. Huwag hayaang matulog ang iyong sanggol sa waterbed, air mattress, sofa, armchair, balat ng tupa, unan, o iba pang malambot na materyal. Inilalagay nito ang sanggol sa mas mataas na panganib ng pagkamatay, kabilang ang SIDS.
-
Tanungin ang tagapangalaga ng kalusugan kung dapat mong hayaan ang iyong sanggol na matulog na may pacifier. Napatunayan na ang pagtulog na may pacifier ay nakababawas sa panganib ng SIDS. Ngunit huwag bigyan ng isa hanggang hindi pa pamilyar sa pagsuso sa ina. Kung ayaw ng iyong sanggol sa pacifier, huwag siyang pilitin na gumamit nito.
-
Huwag maglagay ng crib bumper, unan, maluluwag na kumot, o stuffed toy sa kuna. Maaari itong maging dahilan upang hindi makahinga ang sanggol.
-
Huwag gumamit ng mga upuan ng sanggol, upuan sa kotse, mga stroller, infant carriers, o duyan ng sanggol para sa rutinang pagtulog at araw-araw na mga pag-idlip. Maaari itong maging sanhi ng pagharang sa daanan ng hininga ng sanggol o hindi makahinga ang sanggol.
-
Makatutulong ang pagbalot ng sanggol sa isang kumot (pagbibigkis) na mapanatag at makatulog ang sanggol. Siguraduhing kayang maigalaw ng iyong sanggol ang kanyang mga binti. Itigil ang pagbibigkis kapag nagsimula nang matutong gumulong ang sanggol.
-
OK na ihiga ang sanggol sa kama nang gising. OK din na hayaan ang iyong sanggol na umiyak sa kama, ngunit sa loob lamang ng ilang minuto. Sa edad na ito, hindi pa handa ang mga sanggol na “umiyak hanggang makatulog.”
-
Kung nahihirapan ka sa pagpapatulog sa iyong sanggol, humingi ng mga payo sa tagapangalaga ng kalusugan.
-
Huwag itabi sa pagtulog sa kama ang iyong sanggol. Ipinapakita na mas mataas ang panganib para sa SIDS ng pagtatabi sa kama ng sanggol. Sinasabi ng American Academy of Pediatrics na ang mga sanggol ay dapat matulog sa parehong kuwarto ng kanilang mga magulang. Dapat malapit sila sa kama ng kanilang mga magulang, ngunit sa hiwalay na kama o kuna. Dapat isagawa ang setup na ito sa pagtulog sa unang taon ng sanggol, kung maaari. Ngunit dapat mo itong gawin sa unang 6 na buwan man lang.
-
Palaging ilagay ang mga kuna, bassinet, at palaruan sa mga lugar na walang panganib. Nangangahulugan ito na walang mga nakabitin na lubid, kawad, o mga kurtina sa bintana. Mapabababa nito ang panganib ng pagkasakal.
-
Huwag gumamit ng baby heart rate at mga monitor o mga espesyal na device upang mapababa ang peligro ng SIDS. Kabilang sa mga device na ito ang mga pangkalang, positioner, at espesyal na kutson. Hindi pa napatunayang makakapigil sa SIDS ang mga kagamitang ito. Sa mga bihirang kaso, naging sanhi ang mga ito ng pagkamatay ng isang sanggol.
-
Makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol tungkol sa mga ito at iba pang problema sa kalusugan at kaligtasan.
Mga payong pangkaligtasan
 |
Ayos lang na ilabas ng bahay ang sanggol. Iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw at ang maraming tao kung saan maaaring kumalat ang mga mikrobyo. |
-
Upang maiwasan ang pagkapaso, huwag magdala o uminom ng maiinit na inumin, gaya ng kape, malapit sa sanggol. Pababain ang temperatura ng water heater sa 120°F (49°C) o mas mababa.
-
Huwag manigarilyo o gumamit ng mga e-cigarette malapit sa sanggol. Huwag hayaang manigarilyo o gumamit ng e-cigarette ang ibang tao malapit sa sanggol. Kung naninigarilyo ka o ang ibang miyembro ng pamilya o gumagamit ng mga e-cigarette, gawin ito sa labas habang nakasuot ng jacket, at alisin ang jacket bago hawakan ang sanggol.
-
Karaniwang mainam na ilabas sa bahay ang bagong silang na sanggol. Ngunit lumayo mula sa mga nakakulong at matataong lugar kung saan maaaring kumakalat ang mga mikrobyo.
-
Kapag dinala mo sa labas ang iyong sanggol, huwag masyadong magtagal nang direkta sa sikat ng araw. Panatilihing may takip ang sanggol, o pumunta sa lilim.
-
Sa kotse, laging ilagay ang sanggol sa upuang nakaharap sa likod at laging siguraduhing napipigilan siya nang wasto gamit ang isang 5-point na harness buckle. Dapat itong matibay sa upuan sa likod ayon sa mga nakatagubilin sa upuan ng kotse. Huwag kailanman iwanang nag-iisa ang sanggol sa kotse.
-
Huwag iwanan ang sanggol sa ibabaw ng mataas na bagay tulad ng mesa, kama, o sopa. Maaari siyang mahulog at masaktan.
-
Nais ng mga nakatatandang kapatid na humawak, makipaglaro, at kilalanin ang sanggol. Ayos lang ito hangga't binabantayan ng nasa hustong gulang.
-
Suriin ang iyong tahanan para sa amag at radon.
-
Huwag kailanman alugin ang iyong sanggol. Maaari itong magdulot ng malubhang pagkapinsala ng utak ng iyong sanggol. Maaaring may mga panahong umiiyak ang iyong sanggol at pagod ka, nakakaramdam ng pagkabigo, o galit ka. Pinakamabuting gawin ang paglagay ng iyong sanggol sa kuna at ipahinga ang iyong sarili o humingi ng tulong mula sa kapamilya o mga kaibigan.
-
Humingi ng tulong kung sinaktan ka ng iyong asawa. Kayang magbigay ng kumpidensyal na tulong ng Pambansang Hotline para sa Karahasan sa Tahanan (National Domestic Violence Hotline) (800-799-7233 o i-text ang START sa 88788) at iba pang ahensya.
-
Tingnan ang mga programang tulad ng WIC (Special Supplemental Nutrition Program for Women, Infants, and Children o Espesyal na Programa ng Karagdagang Nutrisyon para sa Kababaihan, mga Sanggol, at Bata) at SNAP (Supplemental Nutrition Assistance Program o Programang Tulong sa Karagdagang Nutrisyon) kung nag-aalala ka sa mga gastusin sa pamumuhay o pagkain. Makapagbibigay sila ng tulong at impormasyon.
-
Tawagan kaagad ang tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang sanggol (tingnan ang Lagnat at mga bata, sa ibaba).
Mga bakuna
Batay sa mga rekomendasyon mula sa CDC, maaaring bigyan ang iyong sanggol ng bakuna laban sa hepatitis B kung hindi pa siya nabigyan nito sa ospital pagkasilang. Maaaring bigyan ang iyong sanggol ng bakunang pambata na nirsevimab. Isa itong Respiratory Syncytial Virus (RSV) monoclonal antibody. Itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong sanggol kung aling mga bakuna ang ipinapayo sa pagbisitang ito. Makatutulong din ang pagkakaroon ng kumpletong bakuna ng iyong sanggol na mapababa ang kanyang panganib sa SIDS.
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad na 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang sa siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang may pag-iingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang kung kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero. Sundin ang kanyang mga tagubilin.
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak
Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Mga senyales ng postpartum depression
Normal ang maging iyakin at ang mapagod pagkatapos magsilang. Dapat maglaho ang mga pakiramdam na ito sa loob ng halos isa o 2 linggo. Kung ganito pa rin ang iyong nararamdaman, maaaring senyales ito ng postpartum depression, isang malubhang problema. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:
-
Pakiramdam ng matinding kalungkutan
-
Pagtaas o pagbaba ng timbang
-
Labis matulog o masyadong maikling matulog
-
Palaging nakararamdam ng pagkapagod
-
Nakararamdam ng pagkabalisa
-
Nakararamdam ng kawalan ng halaga o nakokonsensiya
-
Natatakot na maaaring mapahamak ang iyong sanggol
-
Nag-aalala na isa kang masamang magulang
-
Nahihirapang magkapag-isip nang malinaw o makapagdesisyon
-
Nag-iisip tungkol sa kamatayan o pagpapakamatay
Kung mayroon ka ng alinman sa mga sintomas na ito, makipag-usap sa iyong OB/GYN o isa pang tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring makatulong ang paggamot upang mas bumuti ang iyong pakiramdam.
Susunod na checkup sa: _______________________________
MGA TALA NG MAGULANG: