Pagkalantad sa Usok ng Tabako
Ang pangalawang usok ng sigarilyo ay usok na nalalanghap mo kapag naninigarilyo ang isang tao na malapit sa iyo. Kabilang dito ang usok na inilalabas ng nasusunog na tabako. At kabilang dito ang usok na ibinubuga ng naninigarilyo.
Isa pang termino ang thirdhand smoke (THS) na maaari mong marinig. THS ang usok na nananatili sa mga panloob na ibabaw tulad ng muwebles, mga laruan, at mga karpet. Nananatili rin ito sa damit, balat, at buhok. Nagbababala ang American Academy of Pediatrics sa mga posibleng mapanganib na epekto ng THS.
Paano nakapagdudulot ng panganib ang pangalawang usok ng sigarilyo
Naglalaman ang pangalawang usok ng sigarilyo ng libo-libong kemikal. Kasama sa mga ito ang:
-
Nicotine
-
Ammonia
-
Arsenic
-
Benzene
-
Carbon monoxide
-
Formaldehyde
-
Hydrogen cyanide
Karamihan sa mga ito ang kilalang mapanganib. Kilala rin ang ilan na nagdudulot ng kanser.
Maaaring magdulot kaagad ng ilang problema ang pangalawang usok ng sigarilyo. Kasama sa mga ito ang:
Nagdudulot din kaagad ng panganib ang mga kemikal sa iyong puso at mga daluyan ng dugo. Maaaring pataasin ng mga ito ang presyon ng iyong dugo at pababainn ang iyong mabuting (HDL) kolesterol. Maaaring mas madaling mamuo ang iyong dugo dahil sa usok. Maaari nitong ilagay ka sa panganib ng isang pamumuo ng dugo na maaaring humantong sa stroke o atake sa puso.
Mga pangmatagalang problema sa kalusugan
Pinatataas ng pagkalantad sa pangalawang usok ng sigarilyo ang panganib sa ilang problema sa kalusugan sa paglipas ng panahon. Maaari din nitong gawing mas madalas na mangyari ang ilang problema sa kalusugan at maging mas malala. Dahil dito, maaaring magdulot ng kamatayan ang pangalawang usok ng sigarilyo. Kabilang sa mga problema sa kalusugan na nauugnay sa pangalawang usok ng sigarilyo ang:
-
Kanser sa baga
-
Kanser sa suso
-
Iba pang kanser. Kabilang sa mga ito ang leukemia, lymphoma, mga tumor sa utak, at mga kanser ng larynx, pantog, at sikmura.
-
Sakit sa puso. Maaari itong humantong sa atake sa puso.
-
Peripheral artery disease
-
Stroke
-
Mga impeksiyon sa tainga, lalo na sa mga bata
-
Hika
-
Mas maraming karamdaman at mas madalas, sa mga bata
-
Mga impeksiyon sa palahingahan. Kabilang sa mga ito ang bronchitis at pulmonya.
-
Pagsusugat ng mga daluyan ng hangin sa mga baga
-
SIDS (sudden infant death syndrome)
-
Pagkalaglag, patay sa pagsilang, o mababang timbang sa pagsilang
Nalantad ka ba sa pangalawang usok ng sigarilyo?
Milyon-milyong tao ang nalalantad sa pangalawang usok ng sigarilyo. Kasama rito ang maraming maliliit na bata. Mas nasa panganib ang mga bata sa mga epekto sa kalusugan ng pangalawang usok sigarilyo.
Pangunahing pinagmumulan ng pangalawang usok ng sigarilyo ang mga sigarilyo. Maaari ding maglabas ng pangalawang usok ng sigarilyo ang mga pipa, tabako, at iba pang paraan ng paninigarilyo ng tabako. Maaaring makagawa ang isang tabako ng kasing dami ng pangalawang usok ng sigarilyo ang isang buong pakete ng mga sigarilyo.
Kung nasa isang lugar ka kung saan naninigarilyo ang ibang mga tao, nakalalanghap ka ng pangalawang usok ng sigarilyo. Maaari kang makalanghap ng pangalawang usok ng sigarilyo sa mga bar, restawran, at iba pang pampublikong lugar. At maaari mo itong malanghap sa bahay, sa lugar ng iyong trabaho, o sa isang kotse. Maaaring nasa mas mataas na panganib ng pagkalantad ka kung nakatira ka kasama ang isang naninigarilyo. Maaari ka ring nasa mas mataas na panganib kung nagtatrabaho ka sa isang lugar na nagpapahintulot ng paninigarilyo, tulad ng isang bar. Mabuti na lang parami nang parami ang mga estadong nagpapatupad ng mga pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. At higit sa kalahati ng mga estado ng U.S. ang may mga batas na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga saradong pampublikong lugar.
Maaaring masukat ang pagkalantad sa pangalawang usok ng sigarilyo. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng hangin sa loob para sa mga kemikal na nakikita sa usok ng tabako, tulad ng nicotine. Maaari ding suriin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang iyong sariling antas ng pagkalantad. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsukat ng antas ng cotinine sa iyong dugo, laway, o ihi. Isang kemikal ang cotinine na nalilikha pagkatapos pumasok ng nicotine sa katawan. Kung may matataas kang antas ng cotinine, malamang na may mataas kang antas ng iba pang kemikal na mula sa usok.
Ngunit hindi madalas na kailangan ang uring ito ng pagsusuri. Kung gumugugol ka ng maraming panahon sa mga lugar kung saan naninigarilyo ang mga tao, malamang na may matataas kang mga antas ng mga kemikal sa iyong katawan mula sa usok. Tunay ito kahit na hindi ka naninigarilyo. Kung gumugugol ka lamang ng kaunting panahon sa paligid ng usok, mas malamang na mas mabababa ang iyong antas.
Pag-iwas sa pagkalantad sa pangalawang usok ng sigarilyo
Maaari mong babaan ang iyong pagkalantad sa pangalawang usok ng sigarilyo. Siguraduhin ding protektahan mula sa usok ang mga bata at mga taong may mga problema sa kalusugan. Maaari mong gawin ito sa pamamagitan ng hindi pagpunta sa mga lugar kung saan pinahihintulutan ang paninigarilyo. Kung naninirahan ka kasama ang isang naninigarilyo, hilingin ang tao na manigarilyo lamang sa labas. Huwag pahintulutang manigarilyo ang mga tao sa paligid ng iyong mga anak o sa loob ng iyong kotse.
Buksan ang mga bintana, gumamit ng mga air filter, at maglagay ng mga air ventilation system. Maaaring bawasan ng mga bagay na ito ang pagkalantad sa pangalawang usok ng sigarilyo. Ngunit hindi inihihinto ng mga ito ang pagkalantad. Ang paghinto sa paninigarilyo sa loob ang tanging paraan upang maprotektahan ang mga tao mula sa pangalawang usok ng sigarilyo.
Mas kaunti ang nalalaman tungkol sa mga panganib ng THS. Ngunit isaalang-alang ang mga tuntunin na "bawal manigarilyo" sa iyong tahanan upang panatilihin itong malaya sa mga kemikal na nasa usok ng tabako. Huwag manatili sa mga loob ng lugar kung saan kadalasang naninigarilyo ang mga tao. Kung may mga pangmatagalang naninigarilyo sa iyong tahanan, hingin sa kanila na humingi ng tulong upang tumigil sa paninigarilyo. Isaalang-alang ang pagpapalit ng mga karpet, muwebles, at mga takip sa bintana.
Para sa tulong sa paghinto sa paninigarilyo, bisitahin ang www.smokefree.gov